We purchased the anniversary promo of Enchanted Kingdom from ensogo.ph for only 300/person for the unlimited rides. Uber great deal right? Kaya our team availed the promo, it will serve as our team building na din. Last last Saturday, kahit na there's a typhoon coming, tuloy ang Enchated namin. Buti na lang nakisama ang weather... halos the whole day cloudy lang, umulan na lang nung bandang hapon.
|
team Anna |
Pagdating, onting picture taking then we started riding the attractions. First stop, the bump car. Maaga pa kaya wala pa syadong pila.. kami na agad ang sunod.
Next, yung mini-roller coaster. Uber takot ako sumakay ng roller coaster pero kahiyaan na kaya go na lang ako. Palaunch pa lang yung coaster tumitili na kami ni Cindy. Kami lang ata yung sumisigaw dun. Yung iba deadma lang. hahaha!
Next, ang nakakamurang anchor's away. Puro mura ata lumabas sa bibig ko nung nakasakay kami dito. Si Maa'm Joy naman napapa"iloveyou!" hahaha! Promise hindi na ko uulit. Nanginig talaga tuhod ko dun.
|
mukha pa kaming matapang..hehe! |
After ng nakakamurang anchor's away, napadaan kami sa may space shuttle. Siguro kung hindi pa ko nakasakay agad ng anchor's away may tapang pa ko para sumakay dito.
Next, Rialto. Happy feet ang showing. Keri lang naman, mas enjoy kasi yung 4D.
|
parang sa neighborhood lang natin.. chos!
|
Next is the flying fiesta. Nakakahilo lang sya. Patuyuan ang ride na 'to after mo sa Rio Grande.
Then, we started to get hungry. Stop muna ang rides kailangan lagyan ng laman ang tyan. Medyo mahal ang bilihin sa EK buti na lang may promo ang tender juicy. Buy 1 take 1 ang hotdog for 45php. Nagpicture-picture sa paligid habang hinihintay ang ibang teammates.
|
feeling ko hindi ko to kaya |
After eating, we headed to Rio Grande but it was still closed for maintenance check. Then we saw the horror house. There is an entrance fee for this, 50 php per head. 10 person per batch ang papasok sa horror house. Buti may kasama kaming lalake, sya nauna sa line. Feeling ko nga lumuwag na yung shirt nya paglabas namin.Hila-hila ko kasi yung shirt nya. Tilian lang kami sa loob pero ang totoo wala naman masyadong nakakatakot. Medyo creepy lang kasi un sound effects. 3 lang ata yung nanakot dun sa loob yung isa guide pa namin. Pinagpawisan lang kami sa loob at syempre laugh trip paglabas.
Balik ulit kami sa Rio Grande, start na din kami pumila. Long line na sa loob pero mabilis naman umandar kaya keri lang. Sakto 8 kami sa isang raft. Niluwagan ko yung seatbelt ko kasi nung tumapat kami sa falls tyak uber basa ako buti nakatayo ako agad. Nag-enjoy kami sa Rio Grande kasi binalik-balikan namin sya. Nung 2nd and 3rd time wala ng umiwas sa tubig. Basa na kung basa hanggang underwear. Napaghandaan naman namin kasi we bought spare clothes for this. Yun lang un red shoes ko uber basang sisiw.
We also tried the Discovery 4D. The movie excerpt was from Yogi Bear, it runs for about 15 mins. May fee din to na 60 php if you have the all rides wrist band. Ang cute ng movie, you can also feel the splash of the water from the movie. Next time sasama ko na mga pamangkin ko, tyak maeenjoy nila to.
After ng 4D, may nakita kaming noodles food stand. Grabe gutom na naman kami. hehe! I bought the pancit canton for 69 php and bottled water for 35. Ang mahal ng snack namin!
Then we headed back to Rio Grande. Nakadalawang ulit kami, at naaccomplish naman ang mission namin na mabasa ng bonggang bongga! As in soaking wet!
Inabot na din kami ng gabi and we decided not to wait for the fireworks display and just go home because it started to rain. And just before we leave, here are some of the pictures that I took.
|
model: chucky |
|
grand carousel |
|
space shuttle |
bye EK.. 'til next time!