5/08/2011

Happy Mother's Day Mudra!

si mudra
I call her "mama" pero pag nakatalikod sya "mudra" ang tawag ko sa kanya. For 20 years, tumayo syang ama't ina sa aming 2 magkapatid kasi nasa malayo nagwowork si papa. Halos lahat ng kailangan sa bahay sya ang gumagawa kahit mag-ayos ng sirang gamit, kuryente o kahit anong bagay na pwede nyang gawin. Mana daw ako kay mama kasi madami kaming parehong ugali, una na pagiging topakin. Mahilig din kami pareho sa mga arts and crafts basta yung may mga binubutingting, magkasundo kami dyan. Kakaiba yung ibang hilig nya kasi mahilig yan mag PS2, daig pa ko nyan maglaro ng video games. Ang hinihingi nya ngang gift sa birthday nya ay PSP. San ka pa?! Mahilig din sya magluto kaya hindi ka magugutom kapag kasama mo sya. Sabi nga nya magtipid na sa ibang bagay hwag lang sa pagkain. Kita mo naman ako lang ang medyo payat sa amin.
one happy BIG family
Si mudra, over protective yan na madalas namin pag-awayan dati kasi dapat laging saktong oras ang uwi mo. Kahit hanggang ngayon mega patext yan kay ate para alamin kung anong oras ako uuwi. Medyo lie low na sya ngayon at nakakauwi na kami ng late. Kahit minsan alam mong galit sya sa'yo kasi may ginawa kang hindi maganda, mararamdaman  mo pa din na nag-aalala sya kung may natira bang pagkain para sa'yo or kung may babaunin ba kong food sa office.
mama and papa
Ma,
     I'm so lucky having you as my mom. Though hindi tayo ganun kavocal sa pagsasabi ng mga feelings natin, I appreciate every little thing you do for us. Kahit minsan nagkakatampuhan tayo pero kahit hindi ako mag-sorry you never fail to show your love for me. Thanks for the unconditional love.  Magpapakabait na ko. hehe! I love you. muah!
                                                                                                         ayen




0 comments:

Post a Comment