dadi yo and coy |
I can say that I'm one of the luckiest daughter to have a father like my dad. Oo, bias ako! Bakit naman hindi? Papa's girl ata ako and I'm proud to be one! =) If time comes and God permits na magkakaroon ako ng partner or asawa, I want it to be like my dad. Sabi nga di ba nila, marry someone like your father.. ewan ko san ko napulot yun o imbento ko lang.
I grew up without my dad's presence because he was working outside the country. Pero, we never felt he wasn't here or we long for his love kasi he always makes an extra effort to talk to us, or to make us feel he's always there whenever we need him. Usually kasi di ba yung may mga dad na nagwowork sa malayo ang tendency hindi sila masyadong close sa kids nila, but for us hindi nangyari yun. I still remember pag uuwi yan, minsan dadaanan nya muna ko sa house ng lola ko (coz i'm living with my lola) from airport bago kami uuwi kina mama. And yung feeling na uber excited ako pag nalaman kong malapit na magvacation si papa kahit ilang months pa yung bibilangin. Something special about my dad is he never fails to make us laugh.. kahit uber kababawan or sya un pagtawanan namin. Kahit paulit-ulit yung kwentong barbero at abutan kami ng magdamag sa pagkwekwentuhan habang nagto-tong-its kahit nagkakadayaan pa...masaya pa din. Siguro nung nagtapon ng pasensya si God, gising na gising ang papa ko...kasi ba naman 4 girls (mama, ate, jen and me) na magkakaiba ng moods ang kasama nya everyday kung hindi ba naman humaba ang pasensya nya samahan mo pa ng makukulit na chikiting (paulline, julia and coy). Jack of all trades din si papa, karpintero, technichian, electrician, mechanic, cook, labandero...etc. lahat yan kaya nya gawin.. hindi nga lang sabay-sabay.. isa-isa lang mahina kalaban! =)
We witnessed his loyalty and love to my mom, no distance can break them apart. Partida ang LDR nila, hindi pa uso dati ang internet, text at ang uber mahal ng long distance dati. I've seen pano nya suyuin si mama pag magkaaway sila, parang si guy and pip lang! hahaha! Hindi nahihiya si papa ipakita yung sweetness nya (which is hindi ko namana) sa min, yung hug, kiss at pagluto ng fave na ulam...little things he does that make us feel special.
Thanks Pa for everything.. you were my motivation and my inspiration nun nag-aaral pa kasi I know you'll be happy and proud when you see my grades.
Thanks din sa paghatid at pagsundo rain or shine, pag tinatanong mo ko sinong nagpapakunot ng noo ko everytime na bad mood ako pag-uwi.
Thanks for appreciating every small things we do, even a small gift lang, yung ngiti mong abot sa magkabilang tenga mo.
I love you papa, and i'll always be a papa's girl!
Happy 55th (sshhhh!) birthday!
Happy 55th (sshhhh!) birthday!
0 comments:
Post a Comment