12/31/2011

Angry Birds themed Party

It is a long overdue post. So busy and ngarag these past few weeks kaya wala akong posts. I've uploaded all the pics here and sa dami ng drafts ko hindi ko alam kung ano unang ipopost.. hehe!

Anyways, I want to share to you what happen in our Team Christmas Party. Isa lang ang naisip namin na gimik for the party, since uso naman ang Angry Birds yun na ang ginawa naming theme. From the shirt, to balloons and give aways, pinandigan na namin ang angry birds theme.
just before leaving the office

balloons
The food that we had were all sponsored by my team mates, syempre yung may mga birthday mas madaming dalang food. =) We also have sponsors for our bingo prizes from our friends and from some of our teammates.
ang spaghetti ni momi laiz na nakakalimot ng pangalan
from she and diane
pizza from bel
from ate tess
from jane
Madami pa kaming food pero dahil busy ako sa paglafang, hindi ko na napicture-an lahat.
team anna
 After lumafang, we decided to do the gift giving first kasi mahaba-haba ang bingo. Syempre nagpauna na ng gift ang mahal naming supervisor. At uber naexcite kaming lahat sa gift nya since we're all girls, panalo talaga yung gift nya. She gave us a diamond peel treatment! yay!
ate anna with the diamond peel vouchers
Then, we proceeded with the exchanging of gifts.
bel and ate anna

at sila lang ang nagpalitan ng gifts

chucky and momi lyz
ate tess and momi lyz

ate tess and mam joy

mam joy and me (tenchu sa shirts!)

me and cindy
chucky and cindy
manel and mai
mai and she
she and jane
jane and manel
diane and hanna
angry birds pen from momi.. tenchu!
After the gifts, naglaro kami ng laro ng bayan.. ang Pinoy Henyo, na hindi ko na nakuhanan ng pictures dahil busy ako magisip ng words na pahuhulaan.
pinoy henyo prizes
And the most awaited event of the night, the Bingo game! Sa dami ng prizes namin lahat excited. At natupad din ang pangarap ko na magbola sa bingo. haha!
alam nyo na bakit wala ako sa picture
prizes for dikit
gift certificates for consolation prizes
ang seseryoso maglaro
1st black out winner - momy laiz
2nd black out winner - jane
And the grand prize winner is Cindy who got a new cellphone. O di ba, ang bonggels ng mga prizes namin?! Nung matapos ang bingo, parang namaos ako kakasigaw ng mga numbers. Nagutom din ako after kaya konting lafang. Nag-uwian na din ang ibang team mates ko at kaming mga naiwan ay nagnomohan. 
It was indeed a great party. Simple lang pero uber saya!


12/21/2011

MY GROWN UP CHRISTMAS WISH



Dear Santa,

I know that I’ve been good this year… that you can see a halo above me. I wasn't naughty either, uber bait ko talaga ngayong taon na to. Okay, tigilan na ang kalokohan. 

I will not ask for material things this Christmas, World peace na lang.. chos!  Sa panahong ito, wala ng magreregalo ng DLSR at Iphone 4S, kaya hindi na ko aasang may magbibigay, pagiipunan ko na lang kung gusto kong bilhin. 
Isa lang ang hiling ko Santa, isang malupit na lovelife! Yung lovelife na seryosohan at pangmatagalan. Ayoko na yung sinesekreto at walang patutunguhan.  Siguro naman sa dami-dami ng nararating mo, may makikita kang para sa akin. Hindi naman ako mapili, kahit hindi na si Mario Maurer ibigay mo sa kin, basta may nakakapawis na abs, broad shoulders at looks na mala-boy next door, ok na sa kin yun. Kung hindi naman uubra yung boy next door ayos lang basta hindi takot sa commitment, yung kaya akong pahalagahan at mamahalin lang ako.  Sabi nga ni KC "hindi lahat nadadaan sa kilig" kaya ibahin mo ko Santa.. Oo, masarap yung feeling ng kinikilig pero aanuhin ko ang kilig kung  sinungaling at echosero naman. Kaya ang ibigay mo sa kin yung kayang sakyan ang mga trip ko sa buhay, malambing at hindi manloloko. Madali lang naman ako pasayahin, mababaw lang din ang kaligayahan ko.  Ano ba naman yung sumayaw sya na ginigiling ang nakakapawis nyang abs sa harapan ko? Gugulong na ko sa tuwa nun.

Alam ko medyo madami na hinihiling ko, pero para sa taong nadala na minsan lang naman maginarte at humiling ng ganito… sana pagbigyan mo na ko.
Hindi din naman ako nagmamadali, kahit hindi na umabot ngayong pasko dahil alam ko hectic ang schedule mo. Kaya ko naman po maghintay til next year pero huwag mo naman sanang paabutin hanggang valentines day. 

Alam mo ba Santa, hindi lang ako ang mapapasaya mo pag grinant mo ang wish ko. Tyak ang tatay ko mapapadasal ng nakaluhod sa Quiapo sa sobrang tuwa kapag natupad ang wish ko. At matatahimik na din ang mga taong nagsasabing mukha akong inlove.. kasi masasabi ko ng totoong inlove ako kapag may malupit na kong lovelife. See Santa,  sobrang nakatipid ka na sa kin. 

Feel na feel ko, igra-grant mo ang wish ko. yeeehaaa! 

xoxo
feelingerang ayen


P.S. 
bonus na Santa kung yung nakakapawis na abs may dalang DSLR. yay!