Showing posts with label no other woman. Show all posts
Showing posts with label no other woman. Show all posts

10/11/2011

Saturday Weekend Ganap

I know it's kinda late for a weekend recap pero dahil blog ko 'to magmemega wento pa din ako. hehe! My Saturday started so early 'coz I had to go to work early to render ot. Tama ang nabasa nyo at wala akong sakit dahil nag-ot ako ng kusang loob. I rendered 4 hours lang naman kasi we had to leave early to attend Joy's house blessing. 

At dito nagsimula ang service road adventure namin. May mga mababait na nagsundo sa amin dito sa office para sabay-sabay na kami pumunta kina Joy. Eksena sa kotse, walang nakakaalam pano pumunta dun. Ok fine sundin ang instruction from text. Makalagpas ng Market-Market, tinahak namin ang service road sa C5 going South. Feeling ko (at naming lahat) nawawala na kami, kaya sabi ko kay Hugh magbaligtad na ng damit. hehe! Hugh called Joy for more instructions. Ewan ko kung lahat kami wala lang talaga kaming sense of direction, kasi hindi namin matunton yung lugar. May naha-highblood na pero natatawa lang ako sa nangyayari. Minsan masarap pala ang naliligaw. Matapos ang malupit na eksena sa phone, nakarating din kami mansyon ni joy. Sa wakas!

Nagsimula na ang ceremony at syempre ako ang dakilang cameraman. hehe! Picture-picture habang nagseservice ang bagong ordain na si Father. After ng i-bless ang buong bahay, sinimulan na ang kainan ng handa! Syempre, I'm on a diet kaya pancit malabon at shanghai lang ang kinain ko. Habang kumakain chika-chika kay father. Na-hot seat si father kung paano nya naisipang magpari. Ang showbiz answer ni father "may calling" daw sya. Naintriga lang ako paano kaya malalaman na may "calling" ka? Mimya nyan may calling pala ako magmadre hindi ko pa alam.. chos! 
L-R: joy, hugh, quinzie, boyet, macky, tess & me
Matapos ang kainan, binuksan ang videoke pero wala naman gusto kumanta. Nakakatuwa lang kasi may mga movie selection yung machine. Ayun, napagtripan na magmovie time. "Apocalypto" na walang subtitle ang pinanood namin. Grabe pala yung movie na yun, sobrang brutal ang gilitan ng leeg at may gulat factor din  pala dun. In fairness, natapos sya kahit wala kaming naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Nakakastress ang movie na yun at ang hirap magmove on! 

After ng movie, uwian na din pero kami ni chucky hindi pa kasi we decided na manood na ng "no other woman" para makamove on na din kami sa Apocalypto. Buti may mabait na maghahatid ulit hanggang Glorietta pero bago yun nagservice road adventure ulit kami. haha! Lumagpas kasi kami ng daan pa-Market Market at muntik ulit lumagpas ng pa-u-turn sa buting. Kung nagkataon sa Libis ang bagsak namin. 

Pagdating ng G4, check muna screentime ng movie. Pasok pa kami for 6:15 screentime. Dahil guaranteed seats sya kaunti na lang natirang vacant plus malapit pa sa screen No choice, inavail na din namin. Hit na hit ang movie na 'to kasi ilang weeks na pinipilahan pa din. Mukhang maraming nakakarelate o sadyang maraming nangangaliwa. hehe! The movie was great. Drama sya pero ang dami kong tawa because of the lines. Hindi na ko gagawa ng review ng movie kasi madami ng gumawa non, isa lang ang comment ko "Adopted ba yung anak ni Derek and Christine sa end ng movie?" hehe!

I really had fun that day. Bihira lang yung mga ganung adventure at makapanood ng two movies in two different places. Kelan kaya ang next adventure? =)

"No other Bekky"

One reason why "no other woman" was such a big hit to the viewers is because of the great one-liner of the characters. Ang mga lines naman kasi, nadeliver ng may conviction!  Ang tataray  ng mga lines, kaya madaming kinabog at nakarelate. Syempre, hindi papatalo ang mga kafederasyon sa pagbato ng mga taray lines tulad mga lines sa "no other woman". Kaya nagkaron na din ito ng spoof.. ang "no other bekky" syempre starring ang ating mga bekky friends. I saw these quotable quotes from  the tweets of @annecurtissmith. Nagtrendding  pa sa twitter ang #Nootherbekky, parang virus lang, ang bilis kumalat!

Here are some of the lines:

Watlalu b ang mas majurap kajumbagan ung potching chararat o ung potching hilton?
“Sino ba ang mas mahirap na kalaban? Ang putang mahirap, o ang putang mayaman?”

Pack up mo na yang Piolo Pascual mo, ilabas mo na yang Vice Ganda mo. Ako na bahala sa red lipstick mo!! 
“I-pack up mo si Lucy Torres,  ilabas mo na si Gretchen Barretto, ako na ang bahala sa red stilletos mo.”
Dahil ang mundo ay isang malaking Malate, madaming bakla… Maaagawan ka ng aura! Kumembot ka! NYAHAHAHA
ang mundo ay isang malaking Quiapo, madaming snatcher, maaagawan ka.”

Anong gagawin niyo if the only man that you love is unfortunately BEKKY!
“Anong gagawin niyo if the only man that you love is unfortunately married!”

I dont need to read your research report. I know the market because I have GRINDR!
“I don’t need to read your research report. I know the market because I am the market.”

You can call me gay, bading, beki, but i will never be a supercalifragilisticexpialidocious housewife!
"You can call me anything you want: a snake, a bitch,
an other woman. But I will never be a pathetic, boring housewife!"

Having fun? Ngayon yes fun! Pero paano ‘pag binakla ka na niya? Naglambutan na kayo? Mare-mare na? Fun parin ba?
Having fun? Ngayon yes fun! Pero paano pag iniwan ka na niya? Paano pag pinili na niya ang asawa niya? Paano pag na skandalao na ang pamilya mo? Fun pa rin ba!

Laugh trip di ba?