10/11/2011

Saturday Weekend Ganap

I know it's kinda late for a weekend recap pero dahil blog ko 'to magmemega wento pa din ako. hehe! My Saturday started so early 'coz I had to go to work early to render ot. Tama ang nabasa nyo at wala akong sakit dahil nag-ot ako ng kusang loob. I rendered 4 hours lang naman kasi we had to leave early to attend Joy's house blessing. 

At dito nagsimula ang service road adventure namin. May mga mababait na nagsundo sa amin dito sa office para sabay-sabay na kami pumunta kina Joy. Eksena sa kotse, walang nakakaalam pano pumunta dun. Ok fine sundin ang instruction from text. Makalagpas ng Market-Market, tinahak namin ang service road sa C5 going South. Feeling ko (at naming lahat) nawawala na kami, kaya sabi ko kay Hugh magbaligtad na ng damit. hehe! Hugh called Joy for more instructions. Ewan ko kung lahat kami wala lang talaga kaming sense of direction, kasi hindi namin matunton yung lugar. May naha-highblood na pero natatawa lang ako sa nangyayari. Minsan masarap pala ang naliligaw. Matapos ang malupit na eksena sa phone, nakarating din kami mansyon ni joy. Sa wakas!

Nagsimula na ang ceremony at syempre ako ang dakilang cameraman. hehe! Picture-picture habang nagseservice ang bagong ordain na si Father. After ng i-bless ang buong bahay, sinimulan na ang kainan ng handa! Syempre, I'm on a diet kaya pancit malabon at shanghai lang ang kinain ko. Habang kumakain chika-chika kay father. Na-hot seat si father kung paano nya naisipang magpari. Ang showbiz answer ni father "may calling" daw sya. Naintriga lang ako paano kaya malalaman na may "calling" ka? Mimya nyan may calling pala ako magmadre hindi ko pa alam.. chos! 
L-R: joy, hugh, quinzie, boyet, macky, tess & me
Matapos ang kainan, binuksan ang videoke pero wala naman gusto kumanta. Nakakatuwa lang kasi may mga movie selection yung machine. Ayun, napagtripan na magmovie time. "Apocalypto" na walang subtitle ang pinanood namin. Grabe pala yung movie na yun, sobrang brutal ang gilitan ng leeg at may gulat factor din  pala dun. In fairness, natapos sya kahit wala kaming naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Nakakastress ang movie na yun at ang hirap magmove on! 

After ng movie, uwian na din pero kami ni chucky hindi pa kasi we decided na manood na ng "no other woman" para makamove on na din kami sa Apocalypto. Buti may mabait na maghahatid ulit hanggang Glorietta pero bago yun nagservice road adventure ulit kami. haha! Lumagpas kasi kami ng daan pa-Market Market at muntik ulit lumagpas ng pa-u-turn sa buting. Kung nagkataon sa Libis ang bagsak namin. 

Pagdating ng G4, check muna screentime ng movie. Pasok pa kami for 6:15 screentime. Dahil guaranteed seats sya kaunti na lang natirang vacant plus malapit pa sa screen No choice, inavail na din namin. Hit na hit ang movie na 'to kasi ilang weeks na pinipilahan pa din. Mukhang maraming nakakarelate o sadyang maraming nangangaliwa. hehe! The movie was great. Drama sya pero ang dami kong tawa because of the lines. Hindi na ko gagawa ng review ng movie kasi madami ng gumawa non, isa lang ang comment ko "Adopted ba yung anak ni Derek and Christine sa end ng movie?" hehe!

I really had fun that day. Bihira lang yung mga ganung adventure at makapanood ng two movies in two different places. Kelan kaya ang next adventure? =)

0 comments:

Post a Comment