9/30/2011

True blooded Malatean

the old mcs building
 I was browsing my old photos in my fb account and I saw a picture of my highschool barkada. And then it hit me.. I'm missing them so much! We haven't seen each other for the longest time 'coz everyone were busy in their own lives. Most of them kasi have their own families na and ilan na lang kaming single and ready to mingle. hehe! We haven't get in touch except in facebook. I remember all our kalokohans during those days. I miss highschool... our school, our teachers, my friends. I started googling our school and to my surprise they have their own site na pala. Aba, lumelevel up na din. By the way, I studied in Malate Catholic School from kindergarten to highschool.  Oo, ako na ang loyalty awardee! Hahaha! Yung school sa likod ng Malate Church na malapit sa Aristocrat at Baywalk. Alam mo na? I know most of my batchmates kasi 11 years of our lives kami lagi ang nagkikita. From not so long ago,  the boys and girls department were separated. As in different buildings tapos across the street pa yung boys department. Kaya all my elementary and highschool life exclusive girls talaga ko. So alam nyo na? Hehe! Pero ngayon magkasama na din ang boys and girls sa isang building pero hindi pa din co-ed ang per section, tapos yun former boys department ay for elementary students na. Aircon na din daw ang mga classrooms nila ngayon pero kaunti na ang population ng students siguro dahil mahal na tuition fee. I wonder kung nandun pa yung wooden building. Grabe, creepy yung building na yun! We have a lot of takutan moments dun. I miss the quadrangle, kasi dun kami madalas magchikahan habang naka-indian seat. Dun din ang pwesto namin pag magkokopyahan ng assignments. hahaha! I still remember kung gaano kami kalate umuwi kahit maaga ang dismissal kasi madalas tambay lang kami sa loob ng campus. Isa sa mga madalas namin tambayan nung senior year ay ang corridor ng juniors. Once nga nagnenok pa kami ng picture dun sa bulletin ng isang junior class. Uso kasi ang "ON Business" sa exclusive school for girls. Wala lang talaga sa isip ko nung mga panahon na yun makipag-on sa girls though yung mga friends ko meron silang mga gf, pero now straight na silang lahat. Nung highschool I used to be so hyper and so daldal as in sumasabay ako sa pagbitaw ng mga punchlines. Hahanapin ko nga yung yearbook ko kasi may description na ganun sa akin dun. Maloko ako nung highschool pero never kong pinabayaan ang studies ko, I still get good grades kahit super kulit ko nun. Yung pagiging makulit ko nga ang reason bakit hindi ako napiling officer sa CAT, kasi sabi nun teacher namin tatawa lang ako ng tatawa sa platoon.
iba pa nickname ko jan.. hehe!

There are a lot of things na kapag naiisip ko madaming memories yung bumabalik.

LOG BOOK
Ang mahiwagang libro ng merits and demerits namin. Sa dami ng bawal sa school namin sino ba naman ang hindi masasama sa listahan ng violators. Even un socks namin dapat kasing haba lang sya ng id namin, bawal ang knitted, towel, signatured and double socks (oo uso dati ang double socks). Syempre kung anong bawal yung naman ang isusuot namin. Masarap kaya ang bawal! konek?!

AVR
Hindi ko makakalimutan ang auditorium. Dahil sa English teacher ko na pinalinis sa akin yung buong AVR nung 1st year ako. Grabe... uber hate ko talaga yun! She accused me of cheating with my seatmate pero ang totoo nun nagchichikahan kami on something. Reading Comprehension un so paano ako magchecheat? First time kong nangatwiran sa teacher kaya ayun bagsak ang conduct ko sa kanya. Mula non, I never talked to her again and hindi ako sumali sa org nya.

NEWSPAPER FUND DRIVE
Isa sa masayang activity sa school. Pinakamasaya yung soliciting part kasi kung saan-saan kami nakakarating para lang magsolicit ng newspapers and cartons. Wala kaming pinagkaiba sa mga nagjujunkshop. hehe! Isa sa hindi ko makakalimutan nung napagalitan ako ng madre kasi nahuli akong nakasabit dun sa jeep na inarkila namin. Inexperience ko lang naman kung anong feeling ng nakasabit sa jeep. Curious lang!

BINTANA NG IV-LIRIO
Naging sikat yung bintana namin kasi pinagkaguluhan yung lalakeng nagpaparaos dun sa may basketball court sa street sa likod ng campus. Grabe yun.. ilang araw din ginagawa nun lalake na tumingala sa amin habang nagmamasturbate sya. Ang tyaga lang nya tumingala kasi nasa 5th floor kami nun. Syempre curious kami kung anong ginagawa nya, kaya mega silip din kami. hahaha! Hindi ko lang alam kung paano nadiscover ng mga classmates ko na may ganong eksena sa likod ng campus. Kaya tuwing nakakakita ako ng kikiam, yung mamang yun ang naalala ko.

MY MATH TEACHER
Ako na ang teacher's enemy no.1! Ewan ko ba bakit ang init ng dugo sa akin ng math teacher ko nun 4th year ako. Actully 3 years in highschool ko sya naging math teacher, yung iba elective math.  She gave everyone a reporting assignment except me. Kiber ko naman atleast ligtas sa reporting. Pero nung malapit na mageend yung schoolyear nagpatulong ako dun sa valedictorian namin na gumawa ng report. Kakabugin ko lang talaga yung math teacher ko. When everyone was done with their reporting, heto na ang ayen, kumpleto sa visual aids at uber ready para sa reporting. Mga one week kong pinaghandaan yung lintek na reporting na yun. Ayoko kasing mapahiya, kailangan every question nya masagot ko. Magaling daw pala ako sa Math. Oo kaya hindi ko lang pinapaobvious.. hahaha! And I know naimpress ko sya ng bongga pero hindi nya lang pinahalata. Ang taas kaya ng grades ko ng finals! At doon na din natapos ang warlaloo naming dalawa.

MINI LIBRARY
Sa bawat classroom meron kaming mini-library na kami mismo nagdesign. Every lunch dun kami naglalaro ng pusoy dos. At may tayaan yun. Nung pinagbawalan kami ng class officers na maglaro nun, sungka naman ang inatupag namin. Naadik kami sa paglalaro ng sungka kahit physics class namin naglalaro kami. Yung teacher kasi namin dun madalas tulog. hehe!

Bukod sa mga bagay na nagpapaalala ng malulupit na moments, andyan din ang mga punchlines coming from our former teachers and classmates. I can't remember who said those memorable funny lines. Here are the few that I still remember:
- Isang teacher kausap yung 3 seniors" You! You! and You! the both of you! I want to talk to your parents tomorrow right now!" (walang sense of time yung teacher na yun)
- Adviser ko ng senior year (showing ang apollo 11 and 9 months sa sinehan) " Guys, let's watch 11 months!"
- May observer kami sa class so pakitang gilas ang lahat.
  teacher: guys kung ang simuno ang bida sa pangungusap ano naman ang panaguri?
  sabay turo sa classmate ko na nagulat.
  classmate: ah.ah.ah. kontrabida?! (hindi ko napigilan yung tawa ko sa sagot ng classmate ko..hehe!)

the superfriends (gayle, rosa, judy, me, ahgee, tin and cel)

I've really had fun during my highschool days. I've got the coolest  friends. Yung class namin ang pinakasolid na section, takipan sa mga kalokohan at united sa mga activities and eklavoo. Junior and Senior year were the best! Kami lagi ang best class nun. And syempre hindi ko malilimutan yung mga values na hindi man directed na itinuro sa amin, nainstill sa amin yung mga yun because of the experiences we had from that school.

Ang tunay na Malatean "true to my faith ang motto!"
mcs patch


9/28/2011

Beware of Budol-Budol Gang..

I really don't believe about Budol-Budol Gang (a group of people who hypnotizes someone to get some cash or things from them) before, pero when it happened to someone I know.. grabe totoo pala sya! My dad told me kasi na our neighbor was a victim of the said gang just recently. She went to a nearby mall in our place (RFC Mall in Las Pinas) to withdraw some money from an atm inside the mall. The atm was placed near the entrance so madami talaga tao dun, hindi mo maiisipan na dun ka madadali ng masasamang loob. I should know kasi dun din ako madalas magwithdraw. A woman approached daw our neighbor and she withdrew all her money on her atm worth 24k and she even cash advanced in her credit cards and gave it to the woman. She's like hypnotized daw, she knew what she's doing pero parang wala syang control, yung parang sunud-sunuran sya dun sa babae. Yung mga jewelries na suot nya ibinigay nya din ng kusa dun sa babae plus umuwi pa sya para kunin yung iba nyang jewelries para ibigay lahat dun sa babae. After a while, natauhan sya pero wala na lahat ng belongings nya, ang tanging naiwan ay bag na puro papel ang laman. Shock sya sa nangyari at wala na syang nagawa kundi umiyak na lang. Umabot ng 100k lahat ng natangay sa kanya.

An officemate of mine has the same experience like my neighbor. At heto pa, same place din kung saan sya nabiktima. According to her, she was approached by an old woman and a gay guy asking for a place and she even accompanied them. And then after, she withdraw also money from the same atm machine then she gave the money to the culprits. She even gave the pin number of her atm card. When she got home, that's when she realized that she's been fooled by those people. 

Tama ang advice ng parents natin, "don't talk to strangers"! Mahirap na talaga panahon ngayon. Lalo na malapit na magpasko, marami na naman ang masasamang loob. Madami sa kanila wala sa looks na may gagawing hindi maganda.. yung iba presentable pa. Dumadami ang mga gimik ng mga manloloko kaya kailangan ng ibayong ingat. 

Be vigilant and be safe everyone!

Pick-up lines ala Flip-top in Bubble Gang

I don't know what's happening bakit ako nagigising ng alanganing oras sa gabi. Maybe dahil sa malakas na hangin na humahampas sa bintana ko. Medyo creepy lang kasi 12mn and 3am ako nagigising. Eh di ba may mga kwento na mga ganun time lumalabas ang mga mumu. Pero kwento lang naman yun at ayaw ko takutin sarili ko. Since hindi na rin ako makatulog nag-open ako ng youtube sa phone ko at pinanood ko yung episode sa Bubble Gang na nagfliflip-top sila pero puro pick up lines ang gamit nila. Uber nakakatawa lang kaya sila lalo na si Ogie. Ayun ang ending hindi ako lalo nakatulog.
Kaya kung gusto nyo matawa panoorin nyo na lang 'to:

9/24/2011

Mario Maurer's fanatics.. brace yourselves!!!

photo credits here

Dream come true for Mario's fans! He'll be here next month to shoot the latest campaign for Penshoppe. After Ed Westwick, he's the next ambassador of the said clothing brand. Yay! Everyday ko makikita si Mario Maurer sa billboard sa Guadalupe, Edsa! If you want to see Mario in person on his fans conference, you should start shopping in Penshoppe to accumulate the 10 stamps needed for a pass in the conference.  But wait there's more, the Thai heartthrob will be doing a movie with star cinema early next year. The rumored partner of Mario in this movie will be Erich Gonzales.
Mario was known for his movie, Love of Siam, where he portrayed as a conflict teen who's in love with his best friend. He won an award as a best actor in Cinemanila 2008. And of course,  sinong hindi maiinlove kay Mario in the movie "Crazy Little Thing Called Love"?! Dito madaming nahumaling sa cute na cute na boy next door.
Ngayon pa lang excited na ko for his upcoming movie. Hindi ba obvious na Mario fanatic ako?! hehe!

9/19/2011

Osang in Goodtimes with Mo: the Podcast

photo source
Rosanna Roces guested in GTWM: the Podcast last Sept. 15. And as expected, Osang divulged the celebrities she had sex with. And to everyone's surprise Ted Failon was her best sex ever! Hindi pa daw sikat si Ted the time na nangyari yun. And her was worst was Robin Padilla. "Tamad" daw sabi ni Osang si Robin. The other celebreties named by Osang were:
-Jao Mapa " is good..the performer.. parang hindi bata" (Jao admitted this before in the forbidden questions)
-Tonton Gutierrez " ligo sardines"
-Onemig Bondoc "a waste of time..such a stupid.. bobo"
-and Philip Salvador " all acting.. sa acting nya nakalima na pero isa pa lang"

She even revealed that she had almost 275 sex partners because she started so young.  She even had sex with her cameraman. She also said that she's a lipstick lesbian and she had a sex relationship with Lana Asanin. According to Mo,it was by far the best show because of what Rosanna revealed and how she answered the questions of the callers. She even teach one caller how to masturbate, in detailed. hahaha! . Listeners were in a real treat as Osang and answered every questions. Sobrang frank lang talaga ni Osang.

If you want to listen to that episode go to www.motwister.com or download it from itunes.

9/18/2011

Gaga vs Bieber

Every once in a while, our company organizes events to showcase the talents of their employees. Last week, each team performed a production number from Lady Gaga and Justin Bieber songs. Our team had to perform a Lady Gaga's song "Just Dance". Kakanerbyos habang nagpeperform sila. Oo, ninerbyos ako kahit hindi ako kasali.. haha! Kung audience impact ang paguusapan, panalo na kami. Everyone was cheering our team lalo na sa Lady Gaga turned out to be Tina Turner namin. 

Here are some of the pics in the event.
ang mga early birds..

naastigan ako sa shades nya.. puro yosi!



team anna

Team Collat


with tina tuner.. hehe!



team simels

sir elmer.. kabog ako sa skirt mo!


Here's the video of team collat's performance.



9/13/2011

Beki's Superbowl = Miss Universe 2011


Most talked about ang natapos na Ms. Universe 2011 kaninang umaga. Mapafacebook o twitter pa yan, blow by blow ang paguupdate ng mga pinoy. Hindi rin kami makapagconcentrate sa office kung ano na ang nangyayari sa pageant buti na lang merong twitter. Parang nabibilisan pa kami sa mga pangyayari kasi every second may nagpopost kung sino na ang pasok sa top 15 to top 5. Salamat ng marami sa mga spoilers! hehe!. Lahat kinakabahan at excited kung makakapasok ba si Ms. Philippines. Pero alam nyo ba kung sino talaga  ang mga tunay na naghanda para sa araw na to? Walang iba kung hindi ang mga mahal nating beki! Kung baga sa superbowl o nba finals, Ms Universe ang gay superbowl. Yung tipong may mga hindi pumasok sa school or sa work at nagtipon-tipon sa isang place para sabay-sabay manood ng nasabing event. Everyone has their bet and their uber fearless forecast at hindi lang yun may reason pa sila kung bakit yun ang mga bet nila.  Kung ang basketball ay may statistics like sa rebound o shooting.. aba ang pageant meron din like the long gown, swimwear and Q&A portion at lahat yan ay hindi nakakaligtas sa mapanuring mata ng mga beki. Sino ang makakalimot sa mga beking naging youtube sensation dahil sa panonood nila ng Ms Universe noong nakaraang taon? Hindi ba hindi lang si Venus Raj ang sumikat, pati sila at nagkaron pa sila ng tv commercial. Ganun sila kapassionate sa pag-abang sa Ms. Universe.
Matapos ang announcement sa mga nanalo syempre marami ang natuwa kasi pasok si Shamcey Supsup! Lumelevel-up na ang Philippines kasi 3rd Runner up na tayo! Pero madami pa din ang nanghinayang kasi kung pagbabasehan ang sagot ng pambato natin sa ibang candidates, tayo sana ang nanalo. At ang mga beki, may iba-ibang reaction sa naging sagot ni Shamcey sa Q&A. Yung iba pasok sa banga daw ang sagot ni Shamcey, ang iba naman medyo nakulangan. At heto ay isang video mula kay Bekimon during the Q&A portion.





Congratulations Ms. Philippines "Shamcey Supsup" for winning! Salamat sa iyong tsunami walk at para sa aming lahat at sa mga beki ng Pilipinas ikaw ang aming Ms. Universe!!!



9/05/2011

Huling hirit ng long weekend

Speaking of awkward.. I have an awkward moment just today. How would you feel if someone you haven't talk to for a long time suddenly appears at your doorstep? Isn't awkward? Hindi ko alam kung papatuluyin ko sya or what, pero ayaw kong maging rude. Plus ayaw ko naman ipahalata dito sa bahay na may something wrong. Una kong tanong anong masamang hangin nagdala sa kanya dito.. at syempre sa isip ko lang sinabi yun. Tinanong ko lang sya bakit sya nandito. At hindi ko na sasabihin ang sagot nya baka kasi magkaasaran tayo. hahaha! Basta ang awkward ng feeling. Iniisip ba nya na kapag nagsorry sya mababalik kami sa dati? Maaring hindi na ko galit pero hindi ibig sabihin na okay na kami. Hindi na sya nagtagal kasi wala naman kaming mapagusapan. Gusto nyang uminom pero I'm not in the mood plus may pasok pa bukas. So yun umuwi na din sya. And I was left thinking, am i too proud to accept the apology? Or it doesn't matter anymore? Nangyari na mga nangyari and hindi na mababago yun. If she misses our company before, hindi sya dapat magexpect na mababalik yun. She managed to live without me.. so let's just leave things the way it is. Parang mas ok na ganito na lang kami. It's hard to trust her again and to regain the friendship. Kapag kasi nasaktan ka na ng paulit-ulit, katangahan na yun kung hahayaan mo pang gawin ulit sa'yo yun. I'm not closing my doors.. I'm just  not ready to be friends with her again. Yun lang..

MTV Awkward Series

I  spent my Friday night downloading the episodes of the new MTV series "Awkward". The show is based on a social outcast girl, Jenna (Ashley Rickards), who had been humored of commiting suicide. After the accident, she became an instant news in her school. She encountered a lot of misfortunes in school and turn it around and became well known to her peers. There's this popular guy, Matty (Beau Mirchoff) who she had sex secretly but never talk to her in public. While dealing with a lot of bad things happening, she manages the daily drama that comes with being a stranger. 

And if you know me, I'm a sucker for chick flicks! I love this series.. bitin lang kasi 7 episodes pa lang. I have something to look forward para idownload. Oh! I forgot to say that Jenna is a blogger too in the series. And the production put up a real blog site of Jenna. Click here.

9/04/2011

Nomohan by the bay

Long weekend! After ng mga normal na employees na magkaron ng long weekend because of the Philippine holiday.. kami namang mga abnormal ang long weekend kasi nga US holiday naman. Keri na ang three days na pahinga, buti na lang wala din akong gala. Last saturday, I have no plans of going out at nakareceive ako ng text from Sen kung may lakad ako. Ang loka nagyaya magnomo sa tanghaling tapat at hindi daw sya makatulog, 3 araw na. Since wala namang gala, go lang ako after kong matapos maglaba. Syempre san pa kami magiinom kung hindi sa MOA.. by the bay. Dun kami sa Giligans kung saan pwede kumain muna ng lunch at umorder ng maiinom. Para hindi na kami lilipat ng place. After eating our lunch, order na kami ng tig 2 bottles ng san mig lights. Mahaba-habang usapan. Matagal-tagal din kasi kaming hindi nagkita ni sentot. Shet! two bottles pa lang medyo mabigat na ang feeling. Kung close ko kayo.. alam nyo na mahina ako sa beer. Kwentuhan to the max at wala akong balak ishare ang napagusapan namin. Secret  much! Umabot pa ko ika-6 bottle bago kami umuwi. Nakakamiss si Sen. O ayan sinabi ko na. lol! Nakabawi na kami tagal na hindi namin nag-usap. Akala nya kasi hindi kami ok.. pero wala naman talagang issue. Glad we talked about that.
hindi ko pa mukhang lasing
sentot
Add caption
Pag-uwi bagsak ako sa kama and after few hours, nilabas ko lahat ng kinain at ininom ko! Grabe lasing much sa 6 na beer?! Ayoko ng uminom! chos!