9/30/2011

True blooded Malatean

the old mcs building
 I was browsing my old photos in my fb account and I saw a picture of my highschool barkada. And then it hit me.. I'm missing them so much! We haven't seen each other for the longest time 'coz everyone were busy in their own lives. Most of them kasi have their own families na and ilan na lang kaming single and ready to mingle. hehe! We haven't get in touch except in facebook. I remember all our kalokohans during those days. I miss highschool... our school, our teachers, my friends. I started googling our school and to my surprise they have their own site na pala. Aba, lumelevel up na din. By the way, I studied in Malate Catholic School from kindergarten to highschool.  Oo, ako na ang loyalty awardee! Hahaha! Yung school sa likod ng Malate Church na malapit sa Aristocrat at Baywalk. Alam mo na? I know most of my batchmates kasi 11 years of our lives kami lagi ang nagkikita. From not so long ago,  the boys and girls department were separated. As in different buildings tapos across the street pa yung boys department. Kaya all my elementary and highschool life exclusive girls talaga ko. So alam nyo na? Hehe! Pero ngayon magkasama na din ang boys and girls sa isang building pero hindi pa din co-ed ang per section, tapos yun former boys department ay for elementary students na. Aircon na din daw ang mga classrooms nila ngayon pero kaunti na ang population ng students siguro dahil mahal na tuition fee. I wonder kung nandun pa yung wooden building. Grabe, creepy yung building na yun! We have a lot of takutan moments dun. I miss the quadrangle, kasi dun kami madalas magchikahan habang naka-indian seat. Dun din ang pwesto namin pag magkokopyahan ng assignments. hahaha! I still remember kung gaano kami kalate umuwi kahit maaga ang dismissal kasi madalas tambay lang kami sa loob ng campus. Isa sa mga madalas namin tambayan nung senior year ay ang corridor ng juniors. Once nga nagnenok pa kami ng picture dun sa bulletin ng isang junior class. Uso kasi ang "ON Business" sa exclusive school for girls. Wala lang talaga sa isip ko nung mga panahon na yun makipag-on sa girls though yung mga friends ko meron silang mga gf, pero now straight na silang lahat. Nung highschool I used to be so hyper and so daldal as in sumasabay ako sa pagbitaw ng mga punchlines. Hahanapin ko nga yung yearbook ko kasi may description na ganun sa akin dun. Maloko ako nung highschool pero never kong pinabayaan ang studies ko, I still get good grades kahit super kulit ko nun. Yung pagiging makulit ko nga ang reason bakit hindi ako napiling officer sa CAT, kasi sabi nun teacher namin tatawa lang ako ng tatawa sa platoon.
iba pa nickname ko jan.. hehe!

There are a lot of things na kapag naiisip ko madaming memories yung bumabalik.

LOG BOOK
Ang mahiwagang libro ng merits and demerits namin. Sa dami ng bawal sa school namin sino ba naman ang hindi masasama sa listahan ng violators. Even un socks namin dapat kasing haba lang sya ng id namin, bawal ang knitted, towel, signatured and double socks (oo uso dati ang double socks). Syempre kung anong bawal yung naman ang isusuot namin. Masarap kaya ang bawal! konek?!

AVR
Hindi ko makakalimutan ang auditorium. Dahil sa English teacher ko na pinalinis sa akin yung buong AVR nung 1st year ako. Grabe... uber hate ko talaga yun! She accused me of cheating with my seatmate pero ang totoo nun nagchichikahan kami on something. Reading Comprehension un so paano ako magchecheat? First time kong nangatwiran sa teacher kaya ayun bagsak ang conduct ko sa kanya. Mula non, I never talked to her again and hindi ako sumali sa org nya.

NEWSPAPER FUND DRIVE
Isa sa masayang activity sa school. Pinakamasaya yung soliciting part kasi kung saan-saan kami nakakarating para lang magsolicit ng newspapers and cartons. Wala kaming pinagkaiba sa mga nagjujunkshop. hehe! Isa sa hindi ko makakalimutan nung napagalitan ako ng madre kasi nahuli akong nakasabit dun sa jeep na inarkila namin. Inexperience ko lang naman kung anong feeling ng nakasabit sa jeep. Curious lang!

BINTANA NG IV-LIRIO
Naging sikat yung bintana namin kasi pinagkaguluhan yung lalakeng nagpaparaos dun sa may basketball court sa street sa likod ng campus. Grabe yun.. ilang araw din ginagawa nun lalake na tumingala sa amin habang nagmamasturbate sya. Ang tyaga lang nya tumingala kasi nasa 5th floor kami nun. Syempre curious kami kung anong ginagawa nya, kaya mega silip din kami. hahaha! Hindi ko lang alam kung paano nadiscover ng mga classmates ko na may ganong eksena sa likod ng campus. Kaya tuwing nakakakita ako ng kikiam, yung mamang yun ang naalala ko.

MY MATH TEACHER
Ako na ang teacher's enemy no.1! Ewan ko ba bakit ang init ng dugo sa akin ng math teacher ko nun 4th year ako. Actully 3 years in highschool ko sya naging math teacher, yung iba elective math.  She gave everyone a reporting assignment except me. Kiber ko naman atleast ligtas sa reporting. Pero nung malapit na mageend yung schoolyear nagpatulong ako dun sa valedictorian namin na gumawa ng report. Kakabugin ko lang talaga yung math teacher ko. When everyone was done with their reporting, heto na ang ayen, kumpleto sa visual aids at uber ready para sa reporting. Mga one week kong pinaghandaan yung lintek na reporting na yun. Ayoko kasing mapahiya, kailangan every question nya masagot ko. Magaling daw pala ako sa Math. Oo kaya hindi ko lang pinapaobvious.. hahaha! And I know naimpress ko sya ng bongga pero hindi nya lang pinahalata. Ang taas kaya ng grades ko ng finals! At doon na din natapos ang warlaloo naming dalawa.

MINI LIBRARY
Sa bawat classroom meron kaming mini-library na kami mismo nagdesign. Every lunch dun kami naglalaro ng pusoy dos. At may tayaan yun. Nung pinagbawalan kami ng class officers na maglaro nun, sungka naman ang inatupag namin. Naadik kami sa paglalaro ng sungka kahit physics class namin naglalaro kami. Yung teacher kasi namin dun madalas tulog. hehe!

Bukod sa mga bagay na nagpapaalala ng malulupit na moments, andyan din ang mga punchlines coming from our former teachers and classmates. I can't remember who said those memorable funny lines. Here are the few that I still remember:
- Isang teacher kausap yung 3 seniors" You! You! and You! the both of you! I want to talk to your parents tomorrow right now!" (walang sense of time yung teacher na yun)
- Adviser ko ng senior year (showing ang apollo 11 and 9 months sa sinehan) " Guys, let's watch 11 months!"
- May observer kami sa class so pakitang gilas ang lahat.
  teacher: guys kung ang simuno ang bida sa pangungusap ano naman ang panaguri?
  sabay turo sa classmate ko na nagulat.
  classmate: ah.ah.ah. kontrabida?! (hindi ko napigilan yung tawa ko sa sagot ng classmate ko..hehe!)

the superfriends (gayle, rosa, judy, me, ahgee, tin and cel)

I've really had fun during my highschool days. I've got the coolest  friends. Yung class namin ang pinakasolid na section, takipan sa mga kalokohan at united sa mga activities and eklavoo. Junior and Senior year were the best! Kami lagi ang best class nun. And syempre hindi ko malilimutan yung mga values na hindi man directed na itinuro sa amin, nainstill sa amin yung mga yun because of the experiences we had from that school.

Ang tunay na Malatean "true to my faith ang motto!"
mcs patch


0 comments:

Post a Comment